Mamamayan at Volunteerism: Kayo at Ito Ang Sagot sa Pag-unlad ng Pilipinas

73

By PinoyAko.Ikaw?

http://ellarose2.files.wordpress.com/2009/11/efren-email-small.jpg
http://ellarose2.files.wordpress.com/2009/11/efren-email-small.jpg

Kahit sino pang umupong presidente sa Pilipinas walang mangyayari kung ang mga mamamayan naman ay patuloy na aasa lamang sa mga pulitiko.

Ang sagot sa pag-unlad ng Pilipinas ay ang mga mamamayan nito.

Kung isa kang kamag-anak ng korupt na empleyado sa gobyerno o kamag-anak ng pulis na mangongotong, ano ang dapat mong gawin? Ang galing-galing mong magsabi na ang pangulo ay korupt dapat patalsikin, etc, etc. Pero yun tatay mo, nanay mo, kapatid mo, pinsan mo, tito mo, tita mo na nagtatrabaho sa gobyerno na kurakot din, pinapabayaan mong magnakaw at gumawa ng kalokohan sa opisina at serbisyo. Ang kapal ng mukha niyo.

Kung isa kang tambay, maghanap ka ng trabaho. Madaling gumawa ng dahilan. Yan ang ugali ng tamad. Sasabihin mo, "Wala akong mahanap eh.". Mayroon, Gamitin mo ang utak mo. Kahit nga hindi nakapag-aral, nagtityaga, naglalako ng kung anu-ano at kumikita ng pera. Yun ngang may kapansanan, nakakagawa ng paraan para kumita ng pera.

Kung isa kang asawa o anak ng OFW, huwag gamitin ang perang pinapadala sa mga walang kabuluhang bagay. Tigil na ang araw-araw na tong-its sa kapitbahay. Tigil na ang laging gimik. Paminsan-minsan siguro, ok lang pero huwag naman palagi.

Eto naman mga Pilipino na nakatira na sa ibang bansa at nakatikim na ng magandang buhay, anong ginagawa, puro good time. Puro Casino. Nakalimutan na ang halaga ng pera. Nakalimutan na na maraming nagugutom at naghihirap sa Pilipinas. Sabi niya at ng mga anak niyang "Feel"-Am o "Feel"-Canadian, "I don't care, I am nut a Pilipino, I am an Amirican/Canadyan. I don't care about ader Pilipinos in the Pilipins dying from hunger. I love Mcdunalds. I love Uncle Sam." Siyet, kawawa naman si Jose Rizal, siya umalis ng bansa, may pagkakataon siyang mabuhay ng maayos pero pilit pa din siyang bumalik sa Pilipinas at handang mamatay para sa sariling bansa. HIndi niyo na kailangang magpabaril sa Luneta, pero para kay Rizal at sa ginawa niya para sa inyo, subukan niyo namang tulungan ang mga kababayan niyo mai-ahon ang kanilang sarili sa kahit anong paraan na kaya ninyo. Everybody deserves a good life.

Ano man ang iyong karera, sikaping pag-aralan kung paano magnegosyo. Mag-ipon ng pera huwag lamang upang makabili ng mga luho. Sikaping makapag-ipon ng pera upang magkaroon ng pampuhunan. Malay mo, makakita ka ng oportunidad para kumita. Malay mo kaya mong magpalago ng negosyo, malay mo kaya mong makalikha ng mga trabaho para sa ibang tao. Hindi din masama ang umutang. Depende ito sa pagagamitan. Ang pinakamagandang pagamit ng perang inutang ay kung ito ay gagamitin sa negosyo o investment. Kung nakakita ka ng oportunidad at ito ay iyong pinag-aralan ng husto at napakalaki ng probability na mas malaki ang kikitain kaysa sa inutang plus interes ng utang, go for it. Siguraduhin mo lang na hindi scam iyan. Kung hindi baka pampiyansa na ang susunod na kailangan mong utangin.

Sana po ay makita ninyo ang mensaheng gusto kong ipahiwatig. Hindi ko po layunin ang magsermon. Gusto ko lamang ibahagi ang aking opinyon.

Kung ihahambing sa mga mauunlad na demokratikong bansa ang Pilipinas, napakabata pa ng Pilipinas. Kung kayat madami tayong matututunan sa mga lider ng mga demokratikong bansa na napakahalaga ang opinyon sa panahon ng kanilang kasikatan. At sa panahon kung saan napagdaanan din ng kanilang bansa ang mga challenges na ating pinagdadaanan.

Isang napakahalagang mensahe ay ang mensahe ni John F. Kennedy:

"And so my fellow Americans, ask not what your country can do for you; ask what you can do for your country."

At kung ang mensaheng ito ay para sa mga Pilipino, kung kailan ngayon ito ay tunay na naaangkop, ito ay:

"At sa gayon ang aking mga kapwa Pilipino, tanungin hindi kung ano ang maaaring gawin para sa iyo ng iyong bansa ; tanungin ang sarili, kung ano ang maaari mong gawin para sa iyong bansa."

Isa si Efren Penaflorida sa mga magandang ehemplo ng mga katagang ito. Hindi siya naghihintay kung ano ang magagawa ng gobyerno ng Pilipinas para sa kanya. Ginagamit niya ang kaniyang kakayahan at talino upang gumawa ng paraan at maglingkod sa mga mamamayan at sa ikabubuti ng bansang Pilipinas. Hindi naging hadlang ang kakulangan ng pondo. Hindi siya nagdahilan upang sabihin sa ibang tao na wala siyang magagawa, na wala siyang kakayahang gumawa ng kontribusyon upang makatulong sa iba.

Tularan po natin siya atang mga bayaning Pilipino na tunay na naglilingkod sa bansa at gumagawa ng mga pagbabago imbes na reklamo lamang ng reklamo at magaling magdahilan. Maging mapagmasid, marami kang magagawa para sa iyong bansa.

Walang iba kung hindi ikaw ang solusyon sa pag-ahon ng Pilipinas sa kahirapan.

Comments

travel_man1971 profile image

travel_man1971 Level 6 Commenter 2 months ago

Salamat at nabasa ko ito.

Although, you can also translate it in English (medium of writing articles here on HubPages), what you've written is ay eye-opener.

Saludo ako saiyo, kabayan!

Submit a Comment
Members and Guests

Sign in or sign up and post using a hubpages account.



    • No HTML is allowed in comments, but URLs will be hyperlinked
    • Comments are not for promoting your Hubs or other sites

    Please wait working